Naaresto ang 40 anyos na lalaki sa bayan ng Villasis sa isinagawang buy bust operation ng pinagsamang pwersa ng PDEA Pangasinan at Villasis Police Station.
Kinilala ito na si Avelino Manzano Mencias Jr., residente sa nasabing bayan na nabibilang sa high value target drug personality kung saan nadakip kahapon bandang alas 8 ng gabi.
Nakumpiska sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu, na may halagang P34,000.00 at nakuha din dito ang kanyang cellphone, isang brown envelope, at ang buy-bust money.
Kasalukuyang mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa ngayon ay nakakulong na ito sa kustodiya ng PDEA RO I jail facility sa Camp Diego Silang, Carlatan sa San Fernando City sa lalawigan ng La Union.