Mga kabombo! Ano ang kaya mong gawin para lamang sa iyung bisyo?
Tila isang “risk-taker” kasi ang kinilalang 40-anyos na lalaki matapos na maisipang itago ito sa kaniyang ulo.
Ngunit, kung akala niya’y makakalusot ito sa mga awtoridad, nagkamali siya.
Ayon sa ulat, kinilala ang lalaki mula sa Colombia, kung saan ay sinubukan nitong ipuslit ang cocaine na itinago sa ilalim ng isang toupée sa Cartagena Airport.
Hanggang sa natuklasan umano ang smuggled na droga gamit ang isang scanner. Nahanap nila ang 220 gramo ng cocaine na naka-pack sa maliliit na bag at nakatago sa isang “narco wig” o isang toupée na may kasamang mga pakete ng droga.
Nang madetect ito ng mga police officers, dito na inaresto ang suspek at maingt na inalis ang pakete ng droga sa kaniyang ulo.
Lumalabas naman na dati nang may criminal record ang suspek, kabilang na ang dalawang dating conviction sa drug trafficking.
Ayon sa United Nations Office on Drug and Crime, tumaas ang produksyon ng cocaine sa Colombia mula pa noong 2013, at noong 2023, tumaas pa ito ng 53% kumpara sa nakaraang taon.
Sa kabila ng isang kasunduan noong 2016 upang pigilan ang paglago ng coca cultivation, patuloy pa rin ang operasyon ng mas maliliit na armadong grupo sa bansa, na nagpapalaganap ng paggawa at kalakalan ng cocaine.