Dagupan City – Arestado ang 40-anyos na ginang sa dahil sa paglabag sa kasong estafa sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan.
Ayon kay PCAPT. George Banayos JR, Chief of Police ng San Nicolas Police Station, nangyari ang insidente sa bahay ng biktima sa barangay San Roque sa naturang bayan.
Aniya, nagpa-cash-in ang suspek sa 13-anyos na anak ng may-ari ng isang tindahan ng nasa tinatayang P30,000 ngunit nang akmang kukunin na ang bayad sa ginang ay binigyang lamang ito ng P500 at sinabing ibibigay na ang kabuo-an kapag nakuha na ang napanalunan nitong nasa P40,000 sa isang TV Show.
Lumalabas naman sa isinagawang imbistigasyon na mayroong ipinapakita ang suspek na isang mensahe na nagsasabing nanalo nga ito, ngunit patuloy naman ang kampaniya ng hanay ng kapulisan na huwag agad maniniwala sa mga text messages na nagsasabing nanalo sa isang game show na hindi naman sinalihan.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 315 to 318 of the Revised Penal Code o mas kilala sa tawag na estafa.