BOMBO DAGUPAN- Apat na katao na ang naitatalang nasawi dahil sa pagbaha sa Romania dulot ng matinding pag-ulan sa central at eastern Europe.

Natagpuan ang mga ito sa isinagawang search and rescue operation sa rehiyon ng Galati.

Ayon sa emergency services, idineklara ang mataas na pagbaha sa 38 lugar sa Czech Republic.

--Ads--

Sa syudad ng Prague, itinaas na ang flood barriers, habang isinara na sa publiko ang mga embankment at ang zoo.

Inilikas na din ang mga residente sa Poland dahil sa banta ng pagtaas ng lebel ng katubigan sa mga ilog.

Simula noong huwebes, nagdala ng malakas na hangin at malakas na pag-ulan ang bagyong Boris sa ilang mga parte ng Poland, Austria, Czech Republic, Hungary, Romania, at Slovakia.