Umani ng papuri mula sa mga social media users ang apat na Persons with Disabilities (PWDs) mula sa bayan ng Rosales, lalawigan ng Pangasinan na bumyahe papuntang Cainta, Rizal lulan lamang ng kanilang mga wheelchair.

Batay sa netizen na si Ike Nicdao, habang ito ay nagbibisikleta sa kahabaan ng Barangay Cariño, sa bayan ng Paniqui, probinsiya ng Tarlac, nang makita niya ang mga ito.

Wala umanong may gustong isakay ang mga PWD kaya’t matiyaga na lamang nilang binaybay ang kahabahan ng kakalsadahan dala-dala ang kanilang baong tinapay at tubig habang mayroon lamang silang inilagay na payong sa kani-kanilang wheelchair bilang pananggalang sa init at ulan.

--Ads--

Aabot sa 180 kms. ang layo mula Rosales, Pangasinan hanggang Cainta.