Nananatiling nasa apat na lugar sa Pangasinan ang nasa orange category sa May midterm election.
Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay Provincial election supervisor atty. Ericson Oganiza, sinabi nito na bukod sa bayan ng Santo Tomas ay nadagdag ang bayan ng Sual, Urbiztondo at lungsod ng Alaminos .
Gayunman, hindi naman nangangahulugan na ito lang ang mga lugar na kanilang binabantayan.
--Ads--
Kasama aniya sa mahigpit na binabantayan ang lahat ng municipalidad sa lalawigan para matiyak na magiging maayos at mapayapa ang election.
Mayroon umanong mobile patrol na nanggaling pa sa Tarlac Northern Luzon Command na halos araw araw ay nagpapatrolya at umiikot sa buong lalawigan.