Apat na covid patient ang binawian ng buhay sa lalawigan ng Pangasinan kahapon.

Umaabot naman sa 37 ang gumaling sa sakit na covid 19 habang 5 lang ang naitalang confirmed case sa loob ng isang araw.

Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng 68 anyos na babae mula sa lungsod ng San Carlos, 73 anyos na babae mula sa bayan ng Mangaldan, 59 anyos na babae mula sa bayan ng Manaoag at 57 anyos na babae mula sa bayan ng Alcala.

--Ads--

Sa tala ng Provincial Health Office, sumatotal may 2,090 ang confirmed case sa lalawigan, 184 ang active o nananatili sa pagamutan, 1,820 na ang gumaling at 86 ang binawian ng buhay.