Apat na babae kabilang ang 2 menor de edad ang nasagip ng otoridad sa isang bar sa Talavera, Nueva Ecija.
Nagpanggap na customer ang mga pulis sa may ari ng bar at sa kanilang kasunduan ay maglalabas sila ng babae kapalit ng 2,000 na bayad.
Isang babae ang binigay sa kanila para magbigay ng panandaliang aliw.
Kasunod nito ay agad na pumasok sa loob ng bar ang mga kooperatiba para isagawa ang rescue operation.
Matagal na umanong minamanmanan ng mga otoridad ang bar dahil sa prostitusyon.
Samantala, arestado naman ang mag live in partner na may ari ng bar na sina Marny Siobal, tubong Pangasinan at Richebell Sibayan, residente ng Talavera, Nueva Ecija.
Kuwento ng mga nasagip, hindi umano nila akalain na pagiging GRO ang kanilang trabaho dahil ang pangako sa kanila ay magtratrabaho sa canteen.
Nakakulong na sa Talavera police station ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa human trafficking.
Dinala naman sa DSWD ang mga nasagip na menor de edad.