Naglunsad ng 4 na air strike ang Israel sa makasaysayang porte ng Lebanon, lungsod ng Tyre, matapos ang kanilang pagpapalawig ng evacuation orders.
Nauna nang binalaan ng Israeli Military ang mga sibilyan na magsasagawa sila ng sapilitang pagkilos laban sa Hezbollah sa Lebanon,
Libo-libong mga residente ang lumikas at lumayo mula sa naturang lugar.
--Ads--
Bago pa ang pag-atake, mayroon namang 14,000 katao ang naninirahan doon.
Samantala, buong gabi rin nagsagawa ng ilang pag-atake ang Israel sa Beirut.
Sinabi ng Israel na kanilang tinatarget ang weapon storage at manufacturing facilities na pagmamay ari ng Hezbollah.