DAGUPAN CITY–Sugatan ang apat na katao kabilang ang dalawang bata sa banggaan ng kotse at jeep sa bayan ng Agno, Pangasinan.

Kinilala ang driver ng jeep na si Noel Lapaz, 48-anyos, residente ng Brgy. Bobonot sa bayan ng Dasol habang ang kotse ay minamaneho naman ni Robert Mandawe, 24-anyos na residente naman ng Brgy Victoria sa bayan ng Sual.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga kapulisan na kapwa tinatahak ng dalawang sasakyan ang naturang kalsada nang biglang pumutok ang gulong ng jeep matapos ito mag-overtake sa kotse.

--Ads--

Dahil dito ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng jeep at nagresulta upang mahagip nito ang kotse.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang sakay ng kotse na kinilalang sina Vilma Mandawe, 44 anyos, Lorna Igay, 28 anyos, at dalawang bata na nasugatan sa pangyayari.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng jeep at inihahanda ang kasong isasampa laban rito.