Dagupan City – Sa ilalim ng Executive Order No. 42, epektibo na ngayong araw, September 1,2025 ang 4-Day Compressed Workweek ng mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan sa bayan Sual.
Kung saan ang binagong oras para sa operasyon ay magsisimula ng alas syete ng umaga hanggang alas sais ng gabi, Lunes hanggang gabi.
Maliban na lamang sa mga frontline services gaya ng rural health unit, municipal disaster risk reduction management office at iba pa ay mananatili pa rin sa regular na work hours ang operasyon nito.
Habang ang one stop shop naman ay kada biyernes at para naman sa ibang serbisyo na kakailanganin ng mga residente ng bayan ay maari silang magtungo sa ground floor ng munisipyo.
Nauna na ring inabisuhan ang mga empleyado ukol sa bagong kautusan.