Inaasahan na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang dalawa hanggang apat na bagyo sa kabuuan ng Setyembre.

Batay sa climatological data ng state weather bureau, apat na karaniwang cyclone track ang posibleng tatahakin ng mga naturang sama ng panahon.

Una ay ang posibleng pagdaan ng mga bagyo sa northeastern part ng Philippine Area of Responsibilities (PAR) at tutuloy sa Japan o Korea nang hindi nagla-landfall sa alinmang bahagi ng Pilipinas.

--Ads--

Kalimitang hindi nakaka-apekto sa habagat ang ganitong cyclone track, ayon sa weather bureau.

Maari ring dumaan ang mga naturang bagyo sa northwestern part ng PAR at tutumbukin ang Taiwan.

Sa ganitong sitwasyon, posibleng palakasin ng bagyo ang southwest monsoon.

Posible ring maglandfall ang mga ito sa northern o extreme northern Luzon bago tuluyang tatahakin ang direksyon ng Hong Kong at China.

Panghuli, maaaring maglandfall ang ilan sa mga ito o dumaan sa southern part ng Luzon at tatahakin ang Vietnam.

Ang apat na susunod na pangalan ng mga bagyo sa Pilipinas ay Jacinto, Kiko, Lannie, at Mirasol.