Dagupan City – Isa ito sa pinakamalakas na tumama sa New York City.
Ayon kay Lexi Austria, Bombo International News Correspondent sa New York City, matagal nang hindi nakakaramdam ang lungsod ng lindol at kung may mga naitatala man ay mahina lamang ito at mistulang walang naitatala.
Aniya, isinalarawan ng kaniyang kasamahan sa trabaho na kapareho ng lakas ang naranasan nila ngayon 15 taon na ang nakalilipas.
Ibinahagi naman nito na unti-unting lumakas ang naramdaman nilang pagyanig, pagsasalarawan naman nito mistulang parang may “grinder” sa ilalim ng kanilang bahay.
Ngunit sa kabila naman aniya ng takot ay pinili nitong pakalmahin ang sarili dahil na rin sa may inaalagaan siyang apo.
Hanggang sa maramdaman na nila na unti-unti na itong humupa sa ay doon na sila lumabas upang masiguro ang kaligtasan.
Samantala, mabilis naman aniya ang naging aksyon ng kanilang pamahalaan sa naturang kalamidad.
Tiniyak naman ni Austria na nasa mabuting kalagayan ang mga ito, at wala namang naitalang nasugatan o nasaktan sa mga Pilipino.
Matatandaan na niyanig ng magnitude 4.8 earthquake ang New York City at mga karating lugar nito kagabi lamang na tumagal umano ng 30 segundo at nagsanhi sa pagkabiyak ng ilang mga daanan partikular na sa New Jersey.