Dagupan City – Nakumpiska ang nasa 2 gramo ng hinihinalang shabu sa isang 39-anyos na lalaki matapos ang isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay Tombod sa bayan ng Villasis.

Pinangunahan ito ng Villasis Municipal Police Station (MPS), kasama ang Provincial Intelligence Unit (PIU) Pangasinan Provincial Police Office (PPO), at Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 (PDEA RO1).

Kinilala ang suspek bilang si Alyas “Cardo”isang construction worker at residente sa bayan ng Rosales.

--Ads--

Tinatayang aabot sa halagang PhP13,600.00 ang nasabing shabu batay sa kanyang Standard Drug Price.

Bukod sa shabu, nakuha rin dito ang buy-bust money na 100 piso bill, boodle money na may kabuuang halaga na P3,200.00, dalawang piraso ng rolled aluminum foil, isang lighter, at isang wallet.

Kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek at haharap sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa batas kontra illegal na droga.