Naaresto ang isang 39 anyos na indibidwal dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos ang isinagawang search warrant implementation ng kapulisan sa bayan ng Umingan.
Pinangunahan ang paghahain ng warrant ng Umingan Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency.
Isinagawa ito sa mismong tinitirhan ng indibidwal sa barangay Caurdanetaan at nakumpiska dito ang mga sumusunod gaya ng pitong (7) maliit na transparent plastic sachet at 1 plastic ice bag na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu.
May kabuuang timbang ang mga ito na humigit-kumulang 28.5 gramo, na tinatayang nagkakahalaga ng PhP193,800.00.
Habang nakumpiska din dito ang ilang non drug evidence tulad ng dalawang (2) digital weighing scale, apat (4) na pouch na may iba’t ibang kulay, Labing-isang (11) tubo na nakalagay sa isang medium zip locked plastic, Dalawang (2) tooter, Tatlong (3) maliit na bote na naglalaman ng likidong syrup, Isang (1) rolled aluminum foil at dalawang (2) aluminum foil strips, 116 na piraso ng tunay na 1,000 piso bill na umaabot sa PhP116,000.00
Sa Kasalukuyan ay nasa kustodiya na ito ng kapulisan at maari na itong maharap sa kaukulang kaso na may kinalaman sa illegal na droga.