Dagupan City – Umabot na sa 37 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng buhawi sa south-eastern states ng Estados Unidos at inaasahang madaragdagan pa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual – Bombo International News Correspondent, USA naka-alerto aniya ang kanilang pamahalaan kapag sumasapit ang ganitong sakuna.

Sa kabila kasi aniya ng nararanasang buhawi ay tila normal na lamang ito sa kanila partikular na sa Missouri.

--Ads--

Kabilang namang mga estado rito na nagdeklara na ng state of emergency ay ang Arkansas, Georgia, at Oklahoma, kung saan nakapagtala na rin ng higit 100 wildfire.

Kapag kasi aniya nakakapagtala ng buhawi ay nagdudulot ito ng pagkatumba sa mga poste ng kuryente na siyang dahilan kung bakit nakakapagtala ng wildfire sa mga nasabing bahagi.

Nakasisiguro naman aniya na sa mga banta nito, naka storm warning or alert ang bansa at nakahanda ang mga ito sa imbak ng tubig at pagkain. Nakabukas na rin ang mga evacuation areas gaya na lamang ng mga evacuation centers, simbahan at iba pa para handang tuluyan ng mga residente sa bansa.

Habang pinayuhan naman na ang mga residente na huwag munang lumabas ng kani-kanilang tahanan, dahil mas napapahamak ang mga ito sa labas sala ng masaman panahon.