Dagupan City – Arestado ang isang lalaki dahil sa illegal na droga sa bayan ng Binalonan.

Pinangunahan ito ng Binalonan PNP katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Linmansangan sa bayan.

Kinilala ang suspek bilang si alyas “JR” nasa 37-anyos, isang supervisor at residente sa bayan.

--Ads--

Nakumpiska sa kanya ang 2 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 5 gramo na nagkakahalaga ng P34,000.

Bukod dito, nakuha rin sa kanya ang mga iba pang ebidensya gaya ng boodle money, buy bust money at iba pa.

Sa ngayon nasa kustodiya na ito ng kapulisan at nahaharap sa kasong RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.