BOMBO DAGUPAN – Arestado ang 36-taong gulang na binata sa bayan ng Asingan matapos itong makumpiskahan ng hinihinalang shabu.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Plt. Eddie Patubo Admin PCO, Asingan PNP na nahulian ang suspek ng 3 piraso ng heat sealed sachet ng hinihinalang shabu na may katumbas na halaga na P13, 600.

Aniya ay mahigit isang buwan minanmanan ang nasabing suspek at hindi naman nabanggit ang rason kung bakit ito nagbebenta nito.

--Ads--

Kinilala ito na si Arden Antonio Cabais, 36 taong gulang, walang trabaho, at residente ng Brgy Domanpot sa nasabing bayan.

Dagdag pa ni Patubo na sa lungsod ng Urdaneta kinukuha ng suspek ang suplay ng ibebentang droga.

Samantala, kaugnay naman sa kalagayan ng ilegal na droga sa kanilang bayan aniya ay drug cleared municipality na ang Asingan at patuloy na ang monitoring ng kapulisan ukol dito.

Nananawagan naman ito sa kaniyang mga kababayan na upang mapanatili ang pagiging drug cleared municipality ay makipagtulungan sa pulisya sa pagpuksa ng ilegal na droga.