Mga kabombo! May mga kakilala ka bang mahilig humikap pero pinipigilan ito?
Isang 36-anyos na babae kasi sa United Kingdom ang halos mamatay matapos siyang mabalian ng leeg dahil sa napakalakas na paghikab isang umaga!
Kinilala ito na si Hayley Black kung saan ay bagong gising pa lamang siya noon at pinaiinitan ang bote ng gatas ng kanyang anak na si Amelia nang makita niya ang sanggol na humihikab ay ginaya ito.
Ngunit agad na nakaramdam siya ng “electric shock sensation” na kumalat sa kanyang buong katawan, na nag-iwan sa kanyang braso na nakataas.
Agad na napagtanto ni Black na may mali, kaya pinakiusapan niya ang kanyang asawa, si Ian, na tumawag ng ambulansiya.
Nang dumating siya sa ospital sa Milton Keynes, nakaranas siya nang matinding sakit, ngunit nahirapan ang mga doktor na maunawaan kung ano ang nangyayari dahil walang masyadong ipinakikita ang kanilang mga scan.
Matapos lamang kunan ng scan ang leeg nito, natuklasan nila na ang C6 at C7 na buto sa kanyang leeg ay “tumulak pasulong sa kanyang gulugod” dahil sa puwersa ng paghikab.
Sa kabutihang palad, nagawa ng mga doktor na magsagawa ng emergency surgery para maiwasan ang anumang malubhang pinsala, tulad ng permanenteng paralysis.
Gayunman, nagdulot ang insidente ng nerve damage at tracheal scar mula sa pagtanggal ng discs sa kanyang leeg.
Gumugol siya ng anim na buwan sa wheelchair at kinailangan niyang matutong muli kung paano lumakad.