Maituturing na conservative number pa rin ang inilabas na 36.77% 2023 BAR Passers sa bansa.


Ayon kay Atty Francis Abril, ito ay dahil statistically, 15 hanggang 25% lamang ang bilang ng mga pumapasa sa BAR exams sa bansa.
Kung kaya’t masasabi nitong ang mga nakapasa sa naturang examination ay maituturing na nasala at talagang karapat-dapat.


Sinabi rin ni Abril na nang makita niya ang mga naging reaction ng mga nakapasa, ay kaniyang nalaala ang mga scenario noong panahong nakita rin niya ang kaniyang pangalan na pumasa sa BAR Examinations.

--Ads--


Ibinahagi rin ni Abril na sa kaniyang pagbabalik-tanaw noong siya ay nag-rereview pa lamang ay nahirapan ito sa commercial law, ang kombinasyon ng insurance, corporation law, data privacy, at rules and regulations.


Binigyang linaw rin niya na ang ginawang paglabas ng TOP 20 BAR Passers imbis na TOP 10 lamang sa 2023 BAR Examination Result ay mula sa desisyon ng korte suprema. Aniya, maaring layunin ng korte suprema na mabigyan pa ng motibasyon ang mga BAR takers na mas mag-pursige pa sa pag-rereview, at magsilbi rin itong inspirasyon sa kanila na mapabilang sa susunod na taon.

Nauna namang sinabi ni Atty. Abril na ang paglalabas ng Top 10 o Top 20 ay wala naman sa batas at daan lamang ito sa pag-papakita ng appreciation sa mga kumukuha ng board exams.


Samantala, maganda at maayos naman aniya ang inilabas na pagsusulit, at panawagan nito, nawa’y ma-maintain ang regionalize na pagsusulit nang sa gayon ay mas mabigyan pa ng pagkakataon ang mga probinsyano at hindi na lumuwas sa Metro Manila.


Mensahe naman ni Atty. Abril sa mga BAR takers partikular na sa mga hindi pumasa, binabati niya ang mga ito dahil sa kanilang ipinakitang tagumpay at dedikasyon sa kanilang pag-take ng board exams, at ipagpatuloy lamang ang kanilang nasimulan at layunin na makapagsilbi sa publiko.


Binigyang diin din niya na unawain na lamang ang striktong pagsusulit dahil sa hindi lamang ito isang pagsusulit, kundi isa rin itong hakbang na may layuning protektahan ang buhay, liberty at property.