DAGUPAN, CITY— Tinatayang nasa 350,000 na baboy ang namatay dahil sa isang buwan dahil sa isinasagawang culling operations ng mga alagaing baboy sa buong Luzon dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Kasabay ng problema sa coronavirus pandemic, ang naturang sakit sa mga alagang baboy ang isa rin sa naging malaking problema lalo na sa mga indibidwal na nasa nasabing industriya.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, malaking kawalan umano ang nasabing pagkawala ng mga alagang baboy sa buong Luzon sapagkat marami ang bilang na ito para sa mga tulad nilang mga pig raisers.
Nabatid nito na dahil sa malaking epekto ng ASF sa mga alagang baboy lalo sa mga probinsya sa buong Luzon ay naging pahirapan umano ang pag-alaga ng maraming baboy ay nililimitahan na lamang ng mga hog raisers ang pag-aalaga ng kanilang mga baboy.
Aniya, kumpara umano sa 200 baboy na kanilang inaalagaan, ay sa ngayon ay nasa 30 na lamang ang kanilang inaalagaan dahil sa pangamba na rin nila na sila malugi at sumugal sa kanilang mga puhunan.