Dagupan City – Matapos na makulong sa kulungan, siniguro ng 35-year-old na lalaki sa Ihio na sa puso naman ng nobya ito makukulong.
Tila mistulang kakaiba ang kwento ng newlywed sa Ohio.

Namangha ang New York City Judge na si Melina McGuinnigle dahil matapos mahatulan ni Anthony Santiago, 35anyos mula ng Cleveland, Ohio ng pagkakakulong ng 10 taon, agad itong ikinasal matapos makalaya sa fiancée nito na si Victoria.

Tinawag pa nga raw itong isang pusakal na criminal dahil sa dami na rin ng kasong paglabag sa batas. At ayon sa ulat, noong hunyo taong 2022, sinampahan siya ng kasong burglary sa first degree matapos mahuling nagnanakaw sa isang residential house sa North Syracuse.

--Ads--

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dinala niya ang isang kotse sa naturang residential house sa North Syracuse para ibenta.
Pero noong nasa loob na siya ng bahay, napansin niya ang isang pakete ng hinihinalang marijuana.
Nang makita sila ng may-ari ng bahay na isang matandang lalaki at maybahay nito, pinalo nila ang mga ito ng baril.

Kinasuhan ng matandang lalaki si Anthony at ang mga kasamahan, na di kalaunan ay naaresto. Bago ang insidente ng pagnanakaw, nakulong na rin siya dahil sa tatlo pang kaso ng pananakit sa Ohio. Gayunpaman, sa kabila ng mga criminal activities ni Anthony ay pumayag pa rin si Victoria na pakasalan siya.

Sa social media, nang mabalita ang pagkakasal at paglalabas ng judge ng hatol kay Anthony, komento ng netizens, bukod sa 10 years na pagkakabilanggo ay napatawan din siya ng “life sentence” sa piling ng kanyang misis paglaya niya.

May mga humanga naman sa wagas na pag-ibig ni Victoria kay Anthony dahil pinakasalan pa rin nito ang nobyo sa kabila ng mga krimeng nagawa at bubunuing mga taon sa piitan.