Nakapagtala ng panibagong 35 kaso ng covid 19 sa lalawigan ng Pangasinan kahapon.
33 naman ang gumaling at isa ang panibagong nasawi.
Sa tala ng Provincial Health Office (PHO) umabot na sa 733 ang recoveries sa lalawigan.
455 ang nasa pagamutan habang 42 na ang nasawi.
Sa kabuoan ang total confirmed cases sa lalawigan ay nasa 1,230.
Sa nasabing bilang, 964 ang mula sa Pangasinan at 251 naman ay mula sa lungsod ng Dagupan.
Umakyat na sa higit 6,000 ang bilang ng mga binawian ng buhay sa Pilipinas dahil sa pandemic na coronavirus disease (COVID-19).
Batay sa case bulletin ng Department of Health (DOH), 144 ang nadagdag sa bilang ng mga namatay kaya ang total ay nasa 6,069.
Ang mga bagong kaso ng sakit ay nadagdagan din ng 2,363, na nagpataas pa sa total case count ng 331,869.
Nasa 20 laboratoryo daw ang bigong magpasa ng report sa COVID-19 Data Repository System kahapon.
Umabot naman na sa mahigit 36.6 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa nasabing bilang, 1,064,560 na ang nasawi.
Umakyat naman na sa mahigit 27.5 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.




