Nasawi ang isang 35-anyos na lalaki matapos bumangga sa isang closed van sa National Highway ng Brgy. Poblacion Central, Sison, lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa imbestigasyon ng Sison MPS, hindi umano napansin ng biktima na nagpe-preno o nagmenor ng bilis ang closed van na nasa harapan niya, na naging dahilan upang bumangga ito sa likurang bahagi ng sasakyan.

Matapos ang banggaan, tumilapon ang biktima at nagtamo ng maraming sugat sa katawan.

--Ads--

Agad naman siyang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklarang “dead on arrival” ng mga doktor.

Samantala, inilipat sa himpilan ng PNP ang driver ng closed van para sa karagdagang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang eksaktong sanhi ng aksidente upang matukoy ang mga pananagutan ng mga kasangkot.