Dagupan City – Natuloy na ang pangako ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Kelvin T. Chan sa 34 Child Daycare Centers (CDCs) sa bayan ng Pozorrubio.

Kamakailan lamang ay naipamahagi na ang 34 units ng inverter chest freezer na gagamitin sa pag-iimbak ng mga kagamitan para sa supplementary feeding program ng mga CDCs.

Tumanggap sa unang batch ang 16 Child Development Workers (CDWs ng tig-iisang unit habang kahapon naman ay naipamahagi na ang pangalawang batch na binubuo ng 18 chest freezers, na tinanggap ng 18 CDWs kasama ang kanilang Punong Barangay.

--Ads--

Ayon alkalde na mahalaga ang pagbibigay ng suporta sa mga CDCs upang masiguro ang maayos na pag-aalaga at pag-unlad ng mga bata.

Isang malaking tulong sa mga CDWs ang pagbibigay ng chest freezers sa pag-iimbak ng mga pagkain at kagamitan para sa supplementary feeding program kung saan dahil dito ay masisiguro ang kalidad at kaligtasan ng mga pagkain na ibinibigay sa mga bata.

Patunay ito ng lokal na pamahalaan ng kanilang dedikasyon sa pag-aalaga at pag-unlad ng mga bata dahil sa pamamagitan ng mga ganitong programa, mas mapapabuti ang kalidad ng edukasyon at pangangalaga na natatanggap ng mga bata sa bayan ng Pozorrubio. (Oliver Dacumos)