Umaabot na sa 51 ang nasawi sa pagkakatagpo sa isang 18-wheeler truck kung saan natagpuan-patay ang mga migrante sa San Antonio, Texas USA.

Ayon kay Pinoy Gonzales, Bombo International News Correspondent mula sa Texas USA nakilala na ang 34 sa 51 mga bangkay na karamihan ay mula umano sa mga bansang Mexico, Honduras at Guatemala.

May mga bata rin sa natagpuang mga biktima .

--Ads--

Inihayag naman ni Gonzales na walang Pilipino na napabilang sa pangyayari.

Nakikipag ugnayan na rin ang Amerika sa mga konsulada ng mga pinagmulang bansa ng mga natagpuang biktima.

Napakataas aniya ng temperatura sa Amerika sa ngayon kayat hindi malayo na masawi ang mga biktima sa loob ng truck .

Isang tao ang nakatuklas sa mga biktima na agad tumawag ng tulong sa 911.

Nauna rito sinisi ni Texas Governor Greg Abbott si US President Joe Biden sa nangyaring pagkamatay ng mga undocumented migrants dahil ito ang naging resulta sa kaniyang ginawang pagbukas sa mga border policies.

Ipinapakita ng mga ito ang nakamamatay na kahihinatnan ng kanyang pagtanggi na ipatupad ang batas.