DAGUPAN CITY- Nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang 33 pamilya o 130 indibidwal matapos ang matinding pagbaha sa Calasiao dulot ng bagyo, habagat, at pag-apaw ng Marusay River.

Ayon kay Social Welfare Officer II Susanna April Catungal-Pineda, nasa 27,860 pamilya ang apektado, kung saan 295 pamilya (1,102 katao) ang pansamantalang nasa evacuation centers.

Apektado ang 11 sa 24 na barangay.

--Ads--

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng food packs, gamot, hygiene kits, damit, at psychosocial support mula sa MSWD, DSWD, mga partylist, LGU, at pribadong sektor.

Mayroon ding sleeping kits at wheelchair para sa mga PWD.

Inaasahang makakabalik ang natitirang evacuees ngayong linggo.

Patuloy ang tulong na ibinibigay ayon sa pangangailangan ng bawat pamilya.

Bagaman bumababa na ang tubig sa bayan, mataas pa rin ito sa ilang barangay.