Dagupan City – Nawindang ang 32-anyos na fur mom na si Kristie Pereira mula sa Estados Unidos nang malamang malusog at gumaling na ang alaga matapos nitong akalin na wala nang pag-asa para makasurvive pa.

Kung saan noong December 2022 ang isang two-month-old male hound mix mula sa local group na Lost Dog & Cat Rescue Foundation ay inampon ni Kristie at nagbayad pa ito ng US$450 o higit P26,000.

Pinangalanan naman niya ang tuta na Beau—na ang ibig sabihin sa French ay guwapo.

--Ads--

Ayon sa ulat, mula nang ampunin ni Kristie si Beau, hindi na sila mapaghiwalay. Laging nakasiksik kay Kristie si Beau kapag nagtatrabaho siya at katabi rin niya ito sa pagtulog.

Ngunit makalipas lamang ang ilang linggo, napansin ni Kristie na parang may dinaramdam si Beau, at ayon sa veterinarian na tumingin sa dog, may problema ito sa mga ugat na kalaunan ay napag-alamang isang liver enzymes.

Dahil na rin sa paglala ng kondisyon ng aso, nakagastos na si Kristie ng US$12,000 o higit P705,00.

Hanggang sa dumating na sa puntong tatlong veterinarian na ang nagsabi na malliit na ang chance na matukoy kung ano talaga ang sakit ng kanyang pet. Hanggang sa nawalan na ito ng pag-asa at umalis na sa kaniyang tirahan

Ngunit nito lamang May 2024, pumunta siya ulit sa Maryland para bisitahin ang kanyang ina.

Na-curious siyang i-check ang website ng Lost Dog & Cat Rescue Foundation, at nagtingin ng mga asong ipinapa-ampon. Gayun na lang ang gulat niya nang makita sa website ang larawan ni Beau.

Ngunit hindi na pinayagan si Kristie na makuha muli ang aso dahil lumalabas na may nilalagdaan itong form na nagsasaad na puwede pa ring alagaan ng Montgomery County Animal Services ang pet kahit sinabi ng may-ari na i-put down na ito kung matutuklasan ng kanilang veterinary na treatable and adoptable pa ito.

Kaya gustuhin mang ampunin muli ng fur mom si Beau, hindi siya matutulungan ng Montgomery County Animal Services dahil nasa LDRFC ang desisyon.

Sa kaslaukuyan, nananatiling available for adoption si Beau.