Aksidenteng na-hack ng isang french programmer ang robot vacuums na umaabot sa bilang na 7,000.
Simpleng tech exploration lamang ang gustong gawin ng isang programmer na si Sammy Azdoufal, 32 taon gulang, kung saan ay mapagalaw ang kaniyang robot vacuum cleaner gamit nag kaniyang Playstation controller.
Aniya, mayroon application na konektado sa naturang robot at kaniyang inaral ang mekanismo nito para mapagalaw ang isang robot.
Matapos niyang maikonekta ang app sa kaniyang gaming controller, naisipan niyang patunugin ang vacuum cleaner na para bang umiiyak sa tuwing low battery na ito.
Sa kaniyang pagbutingting upang hanapin ang battery status, kaniya rin nakita ang libo-libong data ng iba pang vacuum cleaners.
Ipinagbigay alam naman ni Aszdoufal ito sa kumpanya ng gumawa ng naturang produkto subalit, hindi siya nakatanggap ng agarang sagot.
Inilapit niya rin ito sa isang tech media outlet na tumulong upang ipagbigay alam ito sa naturang kumpanya.










