Dagupan City – Nakaligtas ang isang Construction worker na tinutukan ng baril ng kanyang sariling kaanak sa lungsod ng sa Barangay San Juan, syudad ng San Carlos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng San Carlos City Police Station, nagtungo sa kanilang himpilan 32 taong gulang na construction worker upang isuko ang isang baril na may bala.

Ikinuwento niya na dumating sa kanyang bahay ang suspek na 52 taong gulang sakay ng isang motorsiklo.

--Ads--

Bumaba umano ang suspek at agad siyang kinompronta.

Nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo na nauwi sa pananakot ng suspek gamit ang dalang baril at itinutok nito sa kanyang noo.

Nagkaroon ng komosyon at nagtangkang agawin ng biktima ang baril hanggang sa tuluyang makuha ito mula sa suspek.

Matapos ang insidente, agad tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng San Carlos CPS at naaresto ang suspek.

Kapwa dinala ang biktima at suspek sa City Health Office para sa kaukulang medikal na eksaminasyon at pagkatapos ay sa presinto para sa pormal na imbestigasyon.

Kinakaharap ngayon ng suspkek ang mga kasong Grave Threat, Physical Injury, Alarm and Scandal, at paglabag sa R.A. No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.