Aabot sa halos 30,000 ektarya na mga palayan ang naapektuhan sa buong Pangasinan matapos pansamantalang matigil ang operasyon ng patubig sa San Roque Dam.

Ayon kay Department of Agriculture- Regional Field Office 1 Regional Executive Director Nestor Domenden na maaring kalahati lamang sa 30,000 ektarya ang mabibigyan ng patubig ng gobyerno kung magpapatuloy ang sitwasyon sa mababang lebel ng tubig sa dam.

Dagdag din ni Domenden na may mga naibigay na umanong mga water pumps ang gobyerno sa mga magsasaka na maaari nilang magamit kung sakaling hindi sila mabigyan ng patubig.

--Ads--

Pagtitiyak naman ni Domenden na may mga plano ng nakaantabay ang DA mula sa sulat na ibinigay sa kanila ng National Irrigation Aministration kasama na diyan ang posibilidad ng pagkakaroon ng cloud seeding.

Naibalik na rin umano ang operasyon ng San Roque power plant bunsod ng mga pangyayaring tag-ulan.

Matatandaang natigil ang operasyon ng San Roque nitong Hulyo 15 kung saan mayroong 32,500 na mga lupang ektarya ang sinusuplayan ng nasabing dam.