Dagupan City – Umabot sa mahigit 300 aso at pusa ang nabakunahan kontra rabies sa isinagawang libreng anti-rabies vaccination drive sa barangay Bacayao Norte sa Dagupan City.
Layon ng hakbang na ito na mapanatiling ligtas ang komunidad at maiwasan ang pagkalat ng rabies sa lungsod—isang sakit na maaaring ikamatay ng tao kapag hindi agad naagapan.
Bahagi ito ng patuloy na kampanya ng pamahalaang lokal para mapalaganap ang tamang kaalaman at pag-iingat kaugnay ng rabies, lalo na sa mga lugar na may mataas na bilang ng alagang hayop.
Paalala naman ng City Veterinarian’s Office sa mga pet owner na maging responsable sa pag-aalaga ng kanilang mga hayop. Ugaliing pabakunahan ang mga ito laban sa rabies taon-taon upang mapanatiling ligtas hindi lamang ang mga alaga, kundi pati na rin ang kanilang mga pamilya at komunidad.
Ang programang ito ay isa lamang sa mga hakbang ng lungsod tungo sa rabies-free na Dagupan.