Natagpuan ang 30 nabubulok na bangkay ng katawan ng mga tao sa isang bangka sa palutang-lutang sa baybayin ng Senegal.

Ipinagbigay alam sa Navy ang nasabing bangka na napadpad sa layong 70km mula sa Dakar. At tsaka nila ito dinala sa porte.

Iniimbestigahan na din ito upang malaman kung kailan at saan nagmula ang bangka at ilan ang kabuoang lulan nito.

--Ads--

Samantala, nagkaroon ng pagdami ng mga migrante na lumilipat mula Senegal patungong Canaray Islands, sa Spain.

Nag-anunsyo naman ng 10-year plan ang pamahalaan ng Senegal noong Agosto upang tugunan ang illegal migration sa gita ng pagdami ng pagkasawi ng mga migrante.