Dagupan City – Matagumpay na nakapagtapos ang nasa kabuuang 30 corn farmer ng pagsasanay sa loob ng matagal panahon na nagbigay sa kanila ng kaalaman at kasanayan sa pamamahala ng tanim na mais, mga teknolohiya para sa pagdaragdag ng halaga, at kaalaman sa pananalapi.

Ang Farmers’ Field School FFS ay ipinatupad ng ATI-certified Learning Site for Agriculture, na may suporta at pangangasiwa mula sa Local Government Unit (LGU) ng Bani sa pamamagitan ng kanilang Municipal Agriculture Office.

Ang pangkalahatang layunin ng pagsasanay ay mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka sa pagpapalago ng mais at iba pang mga produkto, at mapabuti ang kanilang kabuhayan.

--Ads--