Dagupan City – Ikinagalak ng Teachers Dignity Colation ang 30-araw na flexible vacation ang mga guro

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Benjo Basas, chairperson ng Teachers Dignity Coalition layunin kasi nito na mapagaan ang workload ng kaguruan sa bansa.

Kung titingnan kasi aniya ang workloads ng mga guro, hindi binibigyan ang mga ito ng Sick leave at Vacation leave kapag nag-uumpisa na ang klase, kaya’t magandang panukala aniya ang ipinatupad.

--Ads--

Ang bakasyon naman ay maaaring i-avail ng mga guro simula April 16 hanggang June 1, 2025, kung saan maaari itong tuloy-tuloy o hati-hati.

Sakop din ng vacation period ang mga guro ng Alternative Learning System at Arabic Language and Islamic Values Education.

Nangangahulugan ani Basas na hindi obligadong lumahok ang mga guro sa anumang aktibidad kaugnay sa Performance Management Evaluation System (PMES). Hindi rin mandatory ang mga summer training at professional development programs.

Ngunit kung pipiliin naman aniyang dumalo ng mga guro, bibigyan sila ng karagdagang Vacation Service Credits bukod pa sa 30-araw na bakasyon.

Samantala, hinggil naman sa pagdalo ng mga pulitiko sa Graduation at recognition ceremonies sa paaralan, mahigpit aniyang ipinagbabawal ito dahil ang pinapayagan lamang ay ang kasalukuyang alkalde ng bayan, gobernador ng lalawigan at District Congressman.