Dagupan City – Isang shooting incident ang nangyari sa Brgy. Palaming, sa lungsos ng San Carlos.

Ayon kay PMAJ. Gllen Dulay, Deputy Chief of Police ng San Carlos City Municipal Police Station, nakatanggap umano sila ng report mula sa kasama ng biktima na si Nikko Carlo Sinlao Mamaradlo, 25 anyos, at residente ng Brgy. Turac.

Kung saan ay kinilala ang biktima na si Gabriel Manese, 30 anyos, may-ari ng isang Coffee Shop, at residente ng Brgy Calomboyan sa nasabing syudad.

--Ads--

Kwento ng driver ng kanilang sinasakyang motorsiklo, nagpunta ang mga ito sa Brgy. Palaming upang mag iwan sana ng “bakas” na ang ibig sabihin ay mag-iiwan sila ng gamit o pera sa isang lugar at hahanapin ng kaniyang mga followers.

Hanggang sa nakarinig na lamang umano sila ng dalawang putok ng baril na siyang tumama naman sa ulo ng biktima.

Agad naman itong naireport ngunit inabutan na ang biktima na nakahandusay at naliligo sa kaniyang sariling dugo. Dinala pa naman ito sa pinakalamapit na pagamutan ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Lumalabas naman umano sa imbistigasyon na tila planado ang pangyayari dahil walang kabahayan at tao sa lugar.

Hinala nila naman ng mga ito na sinundan ang biktima mula sa kanilang kinaroroonan saka naghanap ng pagkakataon upang tuluyang barilin.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng mga ito sa mga kaanak ng biktima para sa agarang paghahain ng katarungan.