Dagupan City – Arestado ang 30-anyos na security guard sa syudad ng Urdaneta, Pangasinan matapos pagsamantalahan ang menor de edad na anak ng kaniyang live-in partner habang patuloy naman na pinaghahanap pa ang 4 na iba pa.

Ayon kay PMaj. Allan Abuan, Deputy Chief of Police ng Urdaneta City Police Station, ginawa ng suspek ang pangahhalay sa loob ng kanilang tahanan kung saan naninirahan ang biktima kasama ang ina nito.

Kinilala naman ang suspek na si alyas “Robin” residente ng Brgy San Cristobal Licab sa lalawigan ng Nueva Ecija.

--Ads--

Naaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge sa Urdaneta City sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Art.266 ng Revise Penal Code at wala naman itong inirekomendang piyansa.