Sinaksak ang isang 30-anyos na lalaki ng kanyang kaibigan habang sila ay nag-iinuman sa bayan ng Asingan.

Ayon kay Pmaj. Katelyne May Awingan, Officer-in-charge ng Asingan PNP na nakatanggap ang kanilang himpilan bandang ala-una 25 ng madaling araw kanina ng tawag mula sa concern citizen sa barangay Bantog sa nasabing bayan na may nangyaring pananaksak sa kanilang lugar.

Agad na pinuntahan ng kanilang tropa ang pinangyarihan ng krimen kung saan nakilala ang biktima na si Michael Alber Tubera na residente sa parehong barangay habang ang suspek ay si Axcel Traya Dee, 25-anyos na residente rin sa lugar.

--Ads--

Aniya na batay sa kanilang imbestigasyon na nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa habang nag-iinuman kung saan nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Saad pa ni Pmaj. Awingan na ang dalawa ay magkaibigan ngunit dahil sa dala ng kalasingan ay nangyari ang hindi inaasahan.

Dinala naman agad sa ospital ang biktima na siyang ginamot kung saan ay nagkaroon ng malalim na tama sa kanyang tiyan.

Nahuli naman agad ang suspek sa pamamagitan ng isinagawa nilang hot pursuit operation at nakuha dito ang ginamit na patalim.

Mahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek habang ang biktima ay kasalukuyan pang nasa ospital at nagpapagaling.

Sa kabilang banda, naging maayos naman ang kanilang naging checkpoints at wala pa namang nahuhulihang lumalabag sa batas sa pagdadala ng baril.