DAGUPAN CITY – Matagumpay na naaresto ng mga kapulisan ang isang 30 anyos na lalaki sa lungsod ng Urdaneta mula sa patong-patong nitong krimen.
Ayon kay PLT.COL. Perlito Tuayon, COP ng Urdaneta PNP, kinilala ang suspek na si Jason Manangan Mandapat, isang security guard, residente ng barangay Labit West, Urdaneta City at tinagurian itong Top 7 most wanted person in Regional level.
Mula sa bisa ng warrant of arrest, nahuli ito at kumakaharap sa kasong 2 counts of Lascivious conduct at Statutory rape.
Sa isinagawang pagsisisyasat ng kapulisan, isang 14 anyos na grade 6 student ang biktima nito kung saan ay hindi din nagkakalayo ang kanilang ugnayan dahil step daughter din ito ng naturang suspek.
Kwento ng biktima, matagal na itong ginagawa sa kaniya ng kaniyang step father kung saan naisasakatuparan nito ang pang hahalay sa tuwing umaalis ang kaniyang ina upang mag hanap buhay.
Silang dalawa lamang aniya ng suspek ang naiiwan sa kanilang tahanan at dahil na din sa kaniyang murang edad, hindi na nito nagawang lumaban dahil pinagbabantaan din siya ng suspek na kaniya itong papatayin sa oras na ito ay mag sumbong.
Dahil sa hindi na din nakayanan ng biktima ang paulit-ulit na pang hahalay sa kaniya, naglakas ito ng loob upang magsumbong sa kaniyang ina at dito na sila dumulog sa himpilan ng pulisya.
Agad naman nila itong inaksyunan kung saan August 9, 2023 ng kanila itong mahuli at ngayon lamang lumabas ang kaniyang warrant of arrest.
Bagamat nagkaroon ng penetration, ito ang naging basehan ng mga otoridad upang patawan ng habang buhay na pagkaka kulong ang suspect.
Giit naman ni Tuayon, sa ngayon ay halos zero incident ang kanilang nasasakupan kung pag uusapan ang mga rape cases dahil sa mga isinasagawa nilang mga interventions ngunit noong nakalipas na taon, nakitaan ito ng pagtaas.