Dagupan City – Nasawi ang 30-anyos na lalai matapos na makarambola ang isang mini bus at kotsesa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay Plt Col. Brendon Palisoc, Chief of Police, Dagupan City PNP, habang binabaybay ng tricycle na minamaneho ng 30-anyos na ama kasama ang kaniyang mga mag-ina ang kakalsadahan ay bigla na lamang hinagip ang kanilang sasakyan ng isang kotse na minamaneho ng isang studyante.
Dahil dito, nagresulta ang tama ng pagkakabangga upang mapunta ang tricycle sa kabilang linya, hanggang sa dito na umano bumulagta ang minibus sa kaniyang harapan na nagresulta sa lakas ng tama sa kanilang sasakyan.
Sa lakas ng impact, nasawi ang driver ng tricycle habang sugatan naman ang kaniyang mag-ina.
Nahaharap naman ang dalawang driver na kinabibilangan ng minibus at sasakyan sa kasong reckless imprudence resuting in homicide.