Mga kabombo! Hanggang saan nga ba ang kakayanan ng isang artificial intelligence (AI)?

Ayon sa ulat, noong taong 2005, nakaranas ng stroke ang noo’y 30-anyos na kinilalang si Ann Johnson na nagdulot sa kanya ng pagkaparalisa.

At sa kasamaang-palad, nawala rin ang kaniyang boses niya dahil dito.
Sa kabilang banda, sa hindi inaasahang pagkakataon, makalipas ang 18 taon, nakapagsalitang muli si Ann sa pamamagitan raw ng artificial intelligence (AI).

--Ads--

Lumalabas kasi na isa umanong implant ang inilagay sa ibabaw ng utak ni Ann na may kaugnayan sa pagsasalita at wika.

Naglalaman umabi ito ng 253 electrodes na sumasalo sa brain signals mula sa libu-libong neurons. Dagdag pa ang in-install na port sa ulo ni Ann na nakakonekta sa isang kable na nagdadala ng brain signals sa isang computer.

Ang computer ay gumagamit ng AI algorithms upang i-translate ang brain signals sa sentences, na siya namang binibigkas ng isang digital avatar.

Batay sa pahayag ni Dr. Edward Chang, chair ng neurological surgery ng University of California San Francisco na siyang nagsagawa ng operasyon ni Ann, 150-200 words per minute ang natural rate ng speech; may kalapitan na sa 80 words per minute ng kanilang teknolohiya.