Mga kabombo! Mahilig ka ba sa mga pagkain mula ibang bansa, partikular na ang Mexican Taco?

Babala, baka matakam ka dahil sa record breaking na ginawa ng Guadalupe, Nuevo Leon sa kanilang La Discada 2025 festival.

Nagsanib pwersa ang 100 grupo ng culinary students para makagawa ng 13,215 servings ng taco sa loob ng isang oras.

--Ads--

Para mapagtagumpayan ito, gumamit sila ng frying pan na 23-foot diameter ang laki upang maihanda ang kanilang stir-fry dish na kung tawagin ay la discada.

Ang La discada ay naglalaman ng sausage, beef, bacon, kamatis, peppers, sibuyas at beer.

Niluto nila ito sa loob ng 3 oras at 40 minuto sa pamamagitan ng panggatong na kahoy.

Umabot sa bigat na 5,331 pounds ang kanilang niluto at ginawang tacos upang ihanda para sa 10,000 dumalo sa festival.

Matagumpay nilang nakamit ang tatlong Guiness World Record na “mist served in hour, the largest stir-fry, at ang largest frying pan”.

Ang natirang pagkain naman ay kanilang idinonate sa local food banks.