Naaresto ang tatlong indibidwal sa isang buy-bust operation sa Manaoag kung saan nakuha ang tinatayang ₱340,000.00 na halaga ng hinihinalang shabu.

Nangyari ito sa Barangay Pao sa bayan kung saan ang tatlong indibidwal ay kinilala bilang mga high-value target na personalidad na mga residente ng Lingayen at Alaminos City.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramo bukod dito ay nakumpiska rin ang isang itim na pouch, isang brown envelope, isang digital weighing scale, dalawang mobile phone, isang payment online application receipt na nagkakahalaga ng P9000.00, at ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.

--Ads--

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Pagbebenta ng Iligal na Droga) at Section 26 (Sabwatan para Magbenta), Article II ng RA 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang sila ay kasalukuyang nakakulong sa PDEA Pangasinan jail facility sa Urdaneta City.