Patay ang tatlong katao habang sugatan ang 9 na iba pa sa naganap na pamamaril sa isang nightclub sa Brooklyn, New York.

Ang mga biktima ay nasa edad 19 hanggang 61 kung saan ang mga sugatan biktima ay itinakbo na sa mga pagamutan.

Ayon kay New York Police Department (NYPD) Commissioner Jessica Tisch, naniniwala sila na nasa apat na katao ang nagpaputok ng baril.

--Ads--

Aabot kasi sa 42 na basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ang kanilang nakita sa pinangyarihan ng krimen at isang baril ang kanilang narekober malapit sa lugar.

Maaring isang awayan ng dalawang gang ang pinagmulan ng nasabing barilan.

Nanawagan naman si New York City Eric Adams sa mga nakasaksi na makipagtulungan para agad na maaresto ang mga nasa likod ng pamamaril.