BOMBO DAGUPAN – BOMBO DAGUPAN – Nakatakdang ipatayo ang bagong 3-storey building para sa Lingayen District Hospital dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Pinangunahan ni Governor Ramon V. Guico III at Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino ang groundbreaking ceremony.

Ito ay isa na namang katuparan sa mga plano ni Gov. Guico kung saan ay maraming mga Pangasinense ang maserserbisyuhan nito.

--Ads--

Magkakaroon ng emergency room, operating room, intensive care unit at mga patient ward na aabot sa 100 bed capacity.

Naging bahagi sa napakahalagang aktibidad sina BM Philip Cruz, BM Haidee Pacheco, BM Shiela Baniqued, mga department heads at chiefs of hospitals sa pamumuno ni Provincial Administrator Melicio Patague II at mga kinatawan ng DOH at DPWH.