DAGUPAN CITY – Nagresulta sa malaking sunog ang pagbagsak ng isang UPS cargo plane ilang sandali lamang matapos itong lumipad mula sa Louisville International Airport sa Kentucky nitng hapon ng Martes, Nobyembre 4.
Tatlo ang kumpirmadong nasawi habang 11 pa ang sugatan sa insidente, ngunit kinababahala na maaari pang tumaas ang bilang ng mga biktima.
Ayon sa cargo company sa Estados Unidos, tatlo pang crew members ng naturang eroplano ang patuloy na pinaghahanap.
Samantala, ayon sa Federal Aviation Administration (FAA), patungong Hawaii sana ang UPS Flight 2976 nang mangyari ang trahedya.
Lulan umano nito ang 380,000 galon ng gasolina na may kabuuang bigat na 220,000 libra.
Ibinunyag naman ni Louisville Metro Police Department Chief Paul Humphrey na hindi pa tiyak kung kailan magiging ligtas para isagawa ang imbestigasyon sa crash site, dahil may mga delikadong materyales pa umanong patuloy na nasusunog at maaaring sumabog










