DAGUPAN CITY- Tatlong katao ang kumpirmadong nasawi habang walo ang sugatan sa isang plane crash na naganap sa San Diego.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mariss Pascual, Bombo International News Correspondent sa USA, bumagsak ang isang business jet na may sakay na anim na pasahero ngunit hindi pa alam ang dahilan ng pagbagsak.

Aniya, hindi pa isinasapubliko ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawi na empleyado ng isang kumpanya.

--Ads--

Samantala, mahigit 100 residente ang agad na inilikas matapos ang insidente dahil sa malawak na debris field at sunod-sunod na sunog na dulot ng tumapong jet fuel.

Sa ngayon ay patuloy pang hinahanap ang black box ng eroplano upang matukoy ang sanhi ng aksidente.

Ayon naman sa mga awtoridad, wala pang kumpirmasyon kung ano talaga ang naging dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

Dagdag niya, nangyari umano ang insidente malapit sa largest U.S. Navy neighborhood housing sa lugar, kaya’t mas pinaigting ang seguridad at evacuation procedures.

Hindi aniya ito ang unang insidente ng pagbagsak ng mga maliit na aircraft sa Estados Unidos.