Sugatan ang tatlong lalaki matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa center island ng kalsada sa Barangay Nalsian, sa bayan ng Calasiao dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa Calasiao PNP, pasado alas dose ng madaling araw nang mangyari ang aksidente kung saan sa tindi ng impact, tumilapon pa ang tatlong biktima.

Resulta nito ay nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga ito kabilang na ang isang menor de edad.

--Ads--

Ayon sa pa imbestigasyon ng PNP, napag alaman at kitang kita rin sa kuha ng CCTV na walang suot na helmet ang mga ito at nakumpirma din na nakainom ang mga biktima.

Kasalukuyan pang nagpapagaling ang mga ito sa pagamutan dahil na rin sa matinding pinsala sa katawan na kanilang natamo.

Samantala, patuloy naman ang paalala ng pulisya na mag-ingat sa pagmamaneho sa kalsada upang makaiwas sa kahalintulad na aksidente.