DAGUPAN CITY– Nahaharap sa patong patong na kaso ang tatlong katao matapos na makumpiska sakanila ang 130 kilo ng karne ng aso sa Obando, Bulacan.

Sinalakay ng mga awtoridad ang Paliwas fishport kung saan naabutan ang 14 na kinatay na aso at nahuli ang mga suspek na sina Ramon Adino, Ramoncito Adino at Danny Cruz.

Napag-alaman na gumagamit ng bangka ang mga ito para sa transportasyon ng mga karne ng aso.

--Ads--

Bukod sa pagkatay, binalatan pa ang mga aso at sinasabing dadalhin dapat ang mga ito sa Maynila para maibenta.

Kumukuha at bumibili umano ng mga aso sa katabing baranggay ang mga suspek at pinupukpok sa ulo ang mga ito.

Iginiit naman ni Adito na siyang lider ng grupo na pangingisda ang dati nilang hanap-buhay ngunit dahil naging matumal ang huli ay naghanap sila ng ibang pagkakakitaan.

Sasampahan ng kasong paglabag sa anti-rabies law at animal welfare act ang nahuling mga suspek.