DAGUPAN CITY – Huli sa aktong pagnanakaw ng gasolina ang 3 kalalakihan sa bayan ng Pozorrubio.
Ayon kay PMAJ. Zynon Paiking, COP ng Pozorrubio PNP, sa kasagsagan ng pagroronda ng TPLEX guard o patrollers, namataan nila ang isang nakaparadang tanker ng gasolina.
Dito na nahuli sa aktong pagnanakaw ang 3 suspek na nangunguha ng gasolina sa tanket saka inilalagay sa isang galon at isinakay sa isang kotse. Ang tatlong mga suspek ay pawang residente ng Urdaneta City.
Bunsod ng tinatawag na privacy act ay minabuti na lamang ni Paiking na pangalagaan ang pagkakakilanlan ng 3 kalalakihan.
Mismong driver ng tanker truck ang isa sa mga suspek at kaibigan din lamang nito ang dalawa niyang kasamahan. 20 liters ng galon ang nakuha ng mga ito. Nagawa lamang umano ang pagnanakaw dahil mahal na ang presyo ng produktong petrolyo, ito din umano ang unang pagkakataon na nagawa nila ito.
Sa kanilang pakikipag uganayan sa Urdaneta PNP, malinis ang record ng 3 suspek.
Qualified theft ang kasong kinaharap ng 3 suspek.
Habang inaantay ang commitment order na mang gagaling sa korte, sa ngayon ay nananatili sa kostudiya ng Pozorrubio PNP ang mga suspek kasama ang mga ebidensya na kanilang nakalap.
Paalala naman ni Paiking na hindi dahil sa mahal ang presyo ng gasolina ay dapat nang magsamantala.









